Linggo, Pebrero 20, 2011

Ang Talambuhay ni Joan Paladin Avorque



ako suot ang blazer shirt namin
 
  Ako si Joan Paladin Avorque, anak nina Patrick Avorque at Zoela Paladin . Ipinanganak noong June 24,1994 sa lungsod ng San Pablo saq Laguna. nakatira sa Brgy. San Rafael San Pablo City. Nakakatandang kapatid ni Jonh Elrick Avorque.                                                                                                                       
family outing namin ,kasama ang ilang family friends





ang aking kapatid at ang aking paboritong lola


   Lumaki ako at nagkaisip sa Maglalang St. San Pablo City.Doon din ako nag aral ng elementary saq paaralan ng San Roque na malapit lang sa aming bahay. nang ako'y bata pa lang lahat ng bagay na gustohin ko ay aking nakukuha, kasi nakakaangat pa kami sa buhay noon at ako palang din ang anak nina mama at papa. wala pa akong kapatid , kata naman nasanay ako na lahat ng kanilang atensyon ay nasa akin. Nag aral ako ng kinder sa Bagoong Pook nung ako'y apat na taon pa lamang. Bago ako  mag grade 1,pumasok ako sa isang summer school. Nag grade 1 ako sa Central School, pera di ko ito natapos . Tumigil ako, siguro baka nag sawa na agad ako, dahil sa murang edad pa lamang ay nag aaral na ako. Nang mga panahong iyon nakatigil lang ako sa aming bahay. wala akong pakialam sa mga batang dumaraan sa amin upang pumasok sa school. May isa ngang pagkakataon, tinanong ako nina mama kong di ba daw ako naiinggit sa kanila? ang sabi ko, "hindi".                                                                                                                              Natapos ang taong iyon na nakatigil lang ako sa amin. Sumapit ang pasukan at nag aral akong muli. Pumasok ulit ako ng grade 1 sa San Roque, sa paaralang malapit lang sa amin. Nagustuhan ko nang mga titser ko kaya naman nagustuhan ko na muling pumasok.nag 7 years old birth day ako. Enggrande ang naging handaan, pinagipunan talaga ng mga magulang ko. Nang araw na din yon may sinabi sa akin si na mama na ikinagulat ko. Siknabi nila na magkakaroon na nga ako ng kapatid, pero di ako masaya,, kasi feeling ko mababaliwala na ako. Hanggang sa natanggap ko na, na magiging ate na ako. Isinilang ang kapatid ko, tuwang tuwa ako sa kanya. Nang nag aaral na ako ng elementary naging kaclose ko ang mga titser ko maging ang aming principal. Grade 4 ako ng kami ay lumipat ng bahay. Dito na nagbago ang aking buhay. Naghirap na kami kasi nagkakasakit na si lola. Naranasang kong maglakad galing sa school pauwi sa amin sa San Rafael. Sa hirap ng buhay, nagdisisyon si mama na maghanap ng trabaho sa ibang bansa. Di naman sya nabigo. Mabilis siya ng nakahanap at mabilis din siyang nakaalis.                                                                                                          Simula ng umalis si mama ako na ang gumawa ng mga bagay na dati ay siya ang gumagawa. Naranasan kong maglinis ng bahay, maglaba ng damit namin ni papa at ng kapatid ko.Naranasan ko ring alagaan ang kapatid ko na 3 taon palang noon. grumaduate ako ng grade 6 na wala si mama si papa lang at ang kapatid ko ang magkakasama. Naiinggit ako sa mga kaklase ko kasi kompleto ang pamilya nila eh ako wala si mama. Nang ako'y mag highschool  si papa lamang ang nag asikaso ng lahat para maienroll ako. Siya din ang nagintindi sa kapatid ko. si mama naman ay nagpadala lang ng pera pambili ng mga gamit namin. Nang ako'y nag highscool lagi na kaming nag aaway ni papa. gusto niya lahat ng nais niya ay masusunod. Gusto din niya na laging mataas ang mga grades ko. Sobra rin ang higpit niya. Sa ssobrang higpit niya di ko na magawa ang mga bagay na nais kong gawin. Umuwi na si mama, simula ng siya ay umuwi lgi na silang nagaaway. Nagseselos si papa sa mga katrabaho ni mama. Umabot pa nga sa point na maghihiwalay na si lang dalawa. nagdecide si mama na wag na munang umalis para di masira ang pamilya namin. Dahil sa nangyari sa kanila lalong naging mahigpit si papa. Dumating ang time na nagdesisyon muli si mama na magtrabaho muli sa ibang bansa dahil sa hirap ng buhay. Nakaalis na ulit si mama. Marami siyang naiwan utang dito. Ginamit niya ang mga nautang sa pag aasikaso ng mga papeles nya. Sa awa naman ng Diyos nabayaran kaagad ni mama ang aming mga utang. Nakabili pa siya ng tricycle.Second year ako ng muling nakaalis si mama. Naging masaya naman ang life ko sa second year. Marami akong naging friends. Lahat ng salihan na activity ng section namin ay na nanalo.Nag 3rd yr ako, maraming nagbago. Marami sa mga clasmate ko ang nag iba ang section. Nang ako'y 3rd yr. naging friends ko sina ate Pau at Gretel.Naging masaya naman kami. Masaya silang kasama. 3rd yr. din ng nakilala ko ang 1st boyfriend ko si Miguel. Mabait naman sya at malambing. Kaya lang nalaman ni papa ang tungkol sa amin. Nagalit sya nawala daw ang tiwala nya sa akin. Gusto niya na makipaghiwalay sa kanya kaya naman naki pagbreak ako.    
 yan ang BAR SISTERS
  

ako sa bahay bago mag JS








        Forth year na kami bumaba ng section si Gretel kaya kami na lang ni ate Pau ang naging magkasama. Nagkaron kami ng mga bagong friends. Kaya lang nagkaroon ng problem. Nagkahiwalay kami ni ate Pau nagkaron siya ng bagong friends at ganun din ako. Masaya naman ako sa new friend ko nasi na Maribel at Gladys. Tinawag ang group namin na BAR SISTERS. Nadagdagan kami dumating si Bernard o Tiong. Masaya siyang kasama kasi maingay. Nagbuo kami ng name ng gruop namin kaya tinawag kaming DaBARRkads. Ngayon din forth year nakilala ko ang crush ko. Si Baste na forth year din, player ng volley ball sa school. Nung JS nakasayaw ko sya. Ang saya ko talaga nung mga oras na yon. Ang JS ng 2010-2011  ng Dizon high ay ang pinakamasayang nangyari sa akin ngayung high school.  Malapit na kaming grumaduate magkakahiwahiwalay na kami ma mimis ko sila.Di ko malilimutan ang mga naging karanasan ko ngayung high school. Ngayon naghahanda ako para sa test ko sa PUP sana makapasa ako. Sisikapin kong makatapos para sa aking mga magulang upang matulungan ko sila.    Yan ang kwento ng buhay ni Joan Paladin Avorque                                                              

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento