Linggo, Pebrero 20, 2011

Ang Talambuhay ni Joan Paladin Avorque



ako suot ang blazer shirt namin
 
  Ako si Joan Paladin Avorque, anak nina Patrick Avorque at Zoela Paladin . Ipinanganak noong June 24,1994 sa lungsod ng San Pablo saq Laguna. nakatira sa Brgy. San Rafael San Pablo City. Nakakatandang kapatid ni Jonh Elrick Avorque.                                                                                                                       
family outing namin ,kasama ang ilang family friends





ang aking kapatid at ang aking paboritong lola


   Lumaki ako at nagkaisip sa Maglalang St. San Pablo City.Doon din ako nag aral ng elementary saq paaralan ng San Roque na malapit lang sa aming bahay. nang ako'y bata pa lang lahat ng bagay na gustohin ko ay aking nakukuha, kasi nakakaangat pa kami sa buhay noon at ako palang din ang anak nina mama at papa. wala pa akong kapatid , kata naman nasanay ako na lahat ng kanilang atensyon ay nasa akin. Nag aral ako ng kinder sa Bagoong Pook nung ako'y apat na taon pa lamang. Bago ako  mag grade 1,pumasok ako sa isang summer school. Nag grade 1 ako sa Central School, pera di ko ito natapos . Tumigil ako, siguro baka nag sawa na agad ako, dahil sa murang edad pa lamang ay nag aaral na ako. Nang mga panahong iyon nakatigil lang ako sa aming bahay. wala akong pakialam sa mga batang dumaraan sa amin upang pumasok sa school. May isa ngang pagkakataon, tinanong ako nina mama kong di ba daw ako naiinggit sa kanila? ang sabi ko, "hindi".                                                                                                                              Natapos ang taong iyon na nakatigil lang ako sa amin. Sumapit ang pasukan at nag aral akong muli. Pumasok ulit ako ng grade 1 sa San Roque, sa paaralang malapit lang sa amin. Nagustuhan ko nang mga titser ko kaya naman nagustuhan ko na muling pumasok.nag 7 years old birth day ako. Enggrande ang naging handaan, pinagipunan talaga ng mga magulang ko. Nang araw na din yon may sinabi sa akin si na mama na ikinagulat ko. Siknabi nila na magkakaroon na nga ako ng kapatid, pero di ako masaya,, kasi feeling ko mababaliwala na ako. Hanggang sa natanggap ko na, na magiging ate na ako. Isinilang ang kapatid ko, tuwang tuwa ako sa kanya. Nang nag aaral na ako ng elementary naging kaclose ko ang mga titser ko maging ang aming principal. Grade 4 ako ng kami ay lumipat ng bahay. Dito na nagbago ang aking buhay. Naghirap na kami kasi nagkakasakit na si lola. Naranasang kong maglakad galing sa school pauwi sa amin sa San Rafael. Sa hirap ng buhay, nagdisisyon si mama na maghanap ng trabaho sa ibang bansa. Di naman sya nabigo. Mabilis siya ng nakahanap at mabilis din siyang nakaalis.                                                                                                          Simula ng umalis si mama ako na ang gumawa ng mga bagay na dati ay siya ang gumagawa. Naranasan kong maglinis ng bahay, maglaba ng damit namin ni papa at ng kapatid ko.Naranasan ko ring alagaan ang kapatid ko na 3 taon palang noon. grumaduate ako ng grade 6 na wala si mama si papa lang at ang kapatid ko ang magkakasama. Naiinggit ako sa mga kaklase ko kasi kompleto ang pamilya nila eh ako wala si mama. Nang ako'y mag highschool  si papa lamang ang nag asikaso ng lahat para maienroll ako. Siya din ang nagintindi sa kapatid ko. si mama naman ay nagpadala lang ng pera pambili ng mga gamit namin. Nang ako'y nag highscool lagi na kaming nag aaway ni papa. gusto niya lahat ng nais niya ay masusunod. Gusto din niya na laging mataas ang mga grades ko. Sobra rin ang higpit niya. Sa ssobrang higpit niya di ko na magawa ang mga bagay na nais kong gawin. Umuwi na si mama, simula ng siya ay umuwi lgi na silang nagaaway. Nagseselos si papa sa mga katrabaho ni mama. Umabot pa nga sa point na maghihiwalay na si lang dalawa. nagdecide si mama na wag na munang umalis para di masira ang pamilya namin. Dahil sa nangyari sa kanila lalong naging mahigpit si papa. Dumating ang time na nagdesisyon muli si mama na magtrabaho muli sa ibang bansa dahil sa hirap ng buhay. Nakaalis na ulit si mama. Marami siyang naiwan utang dito. Ginamit niya ang mga nautang sa pag aasikaso ng mga papeles nya. Sa awa naman ng Diyos nabayaran kaagad ni mama ang aming mga utang. Nakabili pa siya ng tricycle.Second year ako ng muling nakaalis si mama. Naging masaya naman ang life ko sa second year. Marami akong naging friends. Lahat ng salihan na activity ng section namin ay na nanalo.Nag 3rd yr ako, maraming nagbago. Marami sa mga clasmate ko ang nag iba ang section. Nang ako'y 3rd yr. naging friends ko sina ate Pau at Gretel.Naging masaya naman kami. Masaya silang kasama. 3rd yr. din ng nakilala ko ang 1st boyfriend ko si Miguel. Mabait naman sya at malambing. Kaya lang nalaman ni papa ang tungkol sa amin. Nagalit sya nawala daw ang tiwala nya sa akin. Gusto niya na makipaghiwalay sa kanya kaya naman naki pagbreak ako.    
 yan ang BAR SISTERS
  

ako sa bahay bago mag JS








        Forth year na kami bumaba ng section si Gretel kaya kami na lang ni ate Pau ang naging magkasama. Nagkaron kami ng mga bagong friends. Kaya lang nagkaroon ng problem. Nagkahiwalay kami ni ate Pau nagkaron siya ng bagong friends at ganun din ako. Masaya naman ako sa new friend ko nasi na Maribel at Gladys. Tinawag ang group namin na BAR SISTERS. Nadagdagan kami dumating si Bernard o Tiong. Masaya siyang kasama kasi maingay. Nagbuo kami ng name ng gruop namin kaya tinawag kaming DaBARRkads. Ngayon din forth year nakilala ko ang crush ko. Si Baste na forth year din, player ng volley ball sa school. Nung JS nakasayaw ko sya. Ang saya ko talaga nung mga oras na yon. Ang JS ng 2010-2011  ng Dizon high ay ang pinakamasayang nangyari sa akin ngayung high school.  Malapit na kaming grumaduate magkakahiwahiwalay na kami ma mimis ko sila.Di ko malilimutan ang mga naging karanasan ko ngayung high school. Ngayon naghahanda ako para sa test ko sa PUP sana makapasa ako. Sisikapin kong makatapos para sa aking mga magulang upang matulungan ko sila.    Yan ang kwento ng buhay ni Joan Paladin Avorque                                                              

Ang Natatanging Talambuhay ni PAULYNNE C. HERNANDEZ

            Mapalad sina G. at Gng. Alice Hernandez dahil biniyayaan sila ng isang makulit ngunit mabait na anak. Pinangalanan nila itong Paulynne.

ako nung wala akong magawa




     Ako si Paulynne C. Hernandez. Pangalawa ako sa aming apat na magkakapatid. Kapuwa mga lalaki ang aking mga kapatid. Sila ay sina Allen ang panganay, si Alain ang sumunod sa akin at si Alan ang bunso sa amin.Ako ay isinilang ika-7 ng Hunyo taong 1995 sa malaking ospital sa bayan ng San Pablo City kung saan ako lumaki.Simple lamang ang pamumuhay ng aming pamilya.Ang aming ama na nagtatrabaho para sa amin ay matyagang ginagawa ang tungkulin na nakaatas sa kanya,samantalang katulong niya ang aming ina sa pagtataguyod ng aming pamilya.Kapuwa sila nagtutulungan kung kaya't manarapat namin na tulungan din sila upang mapagaan ang aming araw-araw.


kuya ko ng magtatapos sa sekondarya
 Ang panganay kong kapatid na si Allen Uly ay nasa ika-1 antas na sa kolehiyo sa Dalubhasaang Lungsog ng San Pablo sa kursong Info.Tech . Ako naman ay nasa ika-4 na ng antas sa sekondarya sa Col.Lauro D. Dizon Memorial NHS. Noong nasa elementarya kami sa parehong eskwelahan kami nagtapos at ito ay sa Del REmedio Central Sch.Naranasan ko din mapasama sa mga top students sa aming klase.Habang nalipas ang panahon napapansin ko sa aking sarili ang madalas kong paglalaro at kaligtaan ang aming mga aralin.Bihira na rin akong sumagot a klase kaya nung makarating ako sa ika-3 baitang na sa elementarya wala na ako sa mga top students.Kahit ganoon ang nangyari pinagsikapan ko pa ring makapagtapos at makakuha ng mataas na mga marka.Miyembro din ako ng isang dance troupe sa aming paaralan.Mahilig akong sumali sa mga school activities.Nagkaroon din ako ng mga kaibigan na malalapitan kapag may problema.
Pagtuntong ko sa sekondarya naisip ko kaagad ang mga posibleng mangyari sa akin.Hindi ako nabigo dahil sa unang antas pa lamang , naranasan ko na agad ang saya ng pag-aaral.Hindi ako nahirapan makisama dahil lahat sila ay madaling makibagay.Walang sinuman ang mabibigo sa kasabihang "ANG HIGH SCHOOL LIFE ANG PINAKAMASAYA" dahil napatunayan ito ng anking mga karanasan.Iba't-ibang katauhan ang iyong makakasalamuha sa araw-araw.Masasayang ala-ala ang nabubuo sa aking isipan kapag buhay ng isang studyanteng sekondarya ang paguusapan.


Nagkaroon ako ng iba't-ibang kaibigan,tropa,at barkadang matatawag

sina carla, karen at jamica pagkatapos ng aming cheerdance





ako, ksama sina katrina at jonah sa praktis ng field demo
          Sila yung mga taong handang tumulong , nagbuo ng aking pagkatao at hagit sa lahat sila ung bumago sakin.Kapatid na nga rin ung turingan namin.Pinakanaligayahan ako sa ika-4 na antas dahilnasubok dito ang tatag ng aming pagsasamahan.Nagkaroon kasi ng patimpalak ang aming paaralan para sa mga 4th year students ang MINIU OLYMPICS na matatawag.Kinakailangan na ang bawat section ay may maipresenta na cheerdance.Sa kabutihang palad nakamit namin ang ika-1 puwesto.



mga 4B
         Ilan lamang yan sa mga masasayang kaganapan sa aking buhay.Mapunta naman tayo sa mga karanasang hindi ko makakalimutan.Una dito yung makakuha ako ng bagsak na marka sa asignatura ng Values.Ito ang nag-udyok sa akin na mag-aral na mabuti.Nakaligtaan ko kasing ipasa yung mga proyekto ko.Nag iwan ito ng napakalaking lesson sa akin.
         Mabalik tayo sa aking sarili kung ano yung mga akin kagustuhan , sariling pananaw at tunay na pagkatao.Nabanggit ko kanina lamang na mas angat sa akin ang masasayang karanasan dahil ito sa aking ugali.Masayahin akong tao at mahilig makipagkaibigan.Gusto ka lagi ko silang kasama dahil mas nakakalimutan ko ang aking problema kapag kasama ko ang mga taong nagpapasaya sa akin.Libangan namin ang magkwentuhan.Nagpapalitan kami ng mga pananaw at opinyon.Minsan kung may pagkakataon nalabas kami ng eskwelahan upang tumambay sa ibang tambayan.May ibang nagsasabing supladas daw ako ni hindi daw namamansin.May ilan naman na mataray daw ako,pero di ko na iyon ipagkakaila dahil sa totoo ganoon talaga ako.Pumipili naman ako ng taong pagbubuhusan ko ng galit o pagtatarayan , ito yung mga taong hindi nararapat sa aking kabaitan.Ibinabagay ko din ang aking sarili sa bawat lugar upang hindi mapahamak.Sa aming tahanan,lalo na't naroon si ama hindi maaaring wala kang ginagawa. Mahilig akong makinig ng kanta hyabang may ginagawa dahil sa ito ay nakasanayan ko na.Mas napapagaan kasi nito ang aking mga tungkulin at higit sa lahat nagbibigay ito  ng sigla sa kin.Napalitan nito ang hilig ko sa pagbabasa.
ako noong wala ulit aqong magawa
             Libangan ko din ang tumugtog ng gitara dahil sa nasabi kong mahilig ako sa musika.Ito kasi yung pumapawi sa lungkot at pagod ko.Ito rin yung nagbibigay o nagpapakita ng emosyon ng bawat tao.Isa pa sa mga hilig kong gawin ay ang mag computer.Pakikipagkaibigan gamit ang mga online social network tulad ng FACEBOOK,paglalaro din ng mga online games.Isang paraan kung saan nakakakuha ng mga kaibigan na nasa malayong lugar.Isama ko na rin ang cellphone.Napapasaya ko ang aking sarili kapag nagagawa ko ang mga bagay na hilig ko.Mabaling naman tayo sa mga ayaw ko.Una dito ay yung pilitin ako sa mga bagay na ayaw na ayaw ko.Madali din daw akong magtampo sabi nlia pati nga rin daw mag-selos.Ayawe ko din dun sa mga bagay na walang sense kasi an pangit naman na doon lang mapupunta yung mga oras ko.Sa tunay na ugali,papalit-palit daw yun sakin MOODY nga daw sabi nila.Sa physical naman daw may pagkalalali daw ako kumilos??oo medyo.May mga bagay kasi akong hilig na hilig din nila.

ako sa kasalukuyan ;p



               Madako naman sa tunay na ako.Nasabi ko na ang lahat tungkol sa akin kung sino at ano ang mga hilig ko.Mga bagay , pangyayari at taong mga tunay na nagpapasaya sa akin.Mga karanasang magaganda at hinding-hindi makakalimutan.Naisiwalat ko na rin sa inyo ang  aking talambuhay ng walang pagaalinlangan.Nais kong maibahagi sa iba ang tunay kong na ako sa likod ng nakikita nilang imahe ko.:))Nais ko rin malaman nio yung mga bagay na hindi niyo pa alam tungkol sa akin.Nais kong magpasalamat sa mga taong naging bahagi ng aking buhay.Nagbigay ng sigla sa tuwing nababasa ng kalungkutan at nababalot ng poot.Ang Paulynne CastaƱeda Hernandez na nakilala , nakasama at nakikita niyo ngayon ay payuloy pa rin sa pakikipagsapalaran sa takbo ng buhay.Pilit ginagawang masaya ang bawat pangyayari sa kaniyang buhay upang hindi maging sagabal sa kaniyang mga hangarin.

                                                        _end_

Ang yugto sa aking buhay.(Claire Aquivido)

            
Ako yan ngayon..




3rd yir aq.
Ito ang Panimulang yugto nang aking buhay.Ako si Claire Russelle Javier-Aquivido.Lumaki sa maliit na barangay ng Sta. Filomena sa Lungsod ng San Pablo sa lalawigan ng Laguna.Isinilang ako noong ika-9 ng Abril sa bahay lang namin sa Sta. Filomena. Ang aking ina ay si Emelda Aquivido na isang smpleng maybahay.Habang ang aking ama naman ay si Ronaldo Aquivido na isang mabait,mapagmahal at maaalalahanin.Siya ay nagbalik noong nakaraangika-11 ng Oktubre sa South Korea upang ipagpatuloy ang naudlot na trabaho. Naghiwalay sila ng aking ina noong taong 2008.Nalungkot kami sa panyayaring iyon. Matagal bago namin natanggap. Samantala,mayroon akong nakatatandang kapatid.Siya ay si John Paul Bien Aquivido.Pansamantalang huminto siya ng pag-aaral.Sila ang aking pamilya.
1year old aq.

            Noong ako ay bata pa ako ay malikot ako at magaslaw kumilos.Limang taong gulang ako ng ako ay pumasok sa Angels’ Kiddie Learning Center.Sa eskwelahang iyon ako unang natuto kung paano bumilang at bumigkas ng mga letra. Nagturo rin doon ng mga detalye tungkol sa computer pero dahil masyado na iyong matagal isang salita na lang ang tumatak sa isip ko,iyon ay ang salitang “mouse”.Noong bata pa ako mahilig akong sumayaw.Gaya nang ibang bata,ako rin ay nagkaroon ng “crush” sa aking kaklase.Nakakatawa dahil hanggang ngayon ay tandang-tanda ko pa rin ang kanyang pangalan,Siya ay si Warren Torres,isa sa mga guwapo kong kaklase.Nahihiya nga ako dahil minsan nakakasakay ko pa siya sa jeep pero alam kong hindi na niya ako natatandaan.Noong kinder pa kami lagi ko siyang binibigyan ng candy dahil lagi akong may baon noon sapagkat nakakatulog ako sa oras ng klase namin.Nang sumapit ang Graduation Day namin hindi ako nakatanggap ng medalya para sa mga honors. Pero tanggap ko naman iyon.haha:).At masaya na ako sa natanggap kong parangal bilang “Most Sociable”.
kmi ng kua q.




kinder aq.

            Ang sumunod naman ay ang Elementary days ko sa taong 2000-2007.Ako ay anim na taong gulang ng mag-aral ako sa Brgy.Sta. Filomena Elementary School. Ang pagiging makulit kong estudyante ay lalong musbong sa akin. Madaldal ako kaya lagi rin akong napapagaltan ng teacher namin. Gaya rin nang ibang bata, mahilig akong maglaro. At ang isa sa mga paborito ko noong laruin a ang Chinese garter at Jumping rope. Mahilig din akong maglaro nang taguan,hili-hulihan, igtad-baka at marami pang iba na talaga naming nakakapagod laruin. Minsan nga kapag hindi  pa kami nagkaklase naglalaro kami ng jackstone sa loob ng aming classroom. At sa sobra kalikutan din namin nakakaabot pa kami ng dulo n gaming iskul sa paglalaro. Habang iyon naming mga puno sa likod ng mga room ang ginagawa naming bahay kapag naglalaro kami ng bahay-bahayan. Samantala, sa mga asignatura naming isa sa paborito ko ay ang paggagawa ng Collage at ibat’-ibang klase nang artwork. Hindi ko rin makakalimutan ng magluto kami noon at talaga naming feel na feel kong humawak ng sandok at excited naming pinatikim sa mga guro namin ang aming niluto at sobrang nasiyahan kami ng sabihin nila masarap.
grade1 aq.

Nakaramdam pa nga ako noon ng pagmamalaki na para bang ako lang ang nagluto. Naglilinis din kami noon ng iba’t ibang parte ng eskwelahan naming yung mga lugar na inassign ng adviser namin sa amin. Nagtanim din kami ng iba’t ibang klaseng halaman at puno na maaring malaki na ngayon. Nagkaron din ako ng crush. Sa murang edad kog ring iyun ako nagkaron ng tinatawag na puppy love, kung baga tuta pa lamang. At siyempre makakalimutan ko ba ang mga kaibigan ko noon? Hindi dahil noong panahong iyun nabuo ang munti naming barkadahan  na tinawag na “MJBERK“ na acronym na kahulugan ay Maris, Joy, Baby Jean, Epen, Russell(ako) at Kristel. Na sa paglipas ng panahon ay nadagdagan na tinawag naman na SLG na acronym word din ay “SAMAHAN LAGING GALA” dahil nun panahon iyun para kaming mga bakla na  pagala-gala sa kalsada sa gabi. At kapag malapit ng sumapit ang pasko kami ay magkakasama nangangaroling. Hanggang sa sumapit na ang graduation day hindi namin naiwasan na maging maemosyonal dahil magkakahiwa-hiwalay na kami pero naging masaya din naman kami dahil iyun ang araw ng pagtatapos namin ng Elementarya. Pinarangalan ako bilang “Most Trustworthy” na talaga naman aking pinamagmamalaki.
Hanggang ngayon ay mayroon pa rin kaming Komunikasyon ng mga dati kong mga kaklase at kung minsan kung nagkikita kami nagkukumustahan kami. Pag sobra namin  ng masasaya naming elementary days, nagpaplano kami ng reunion kung saan sama sama kaming nagkukuwentuhan, naghaharutan at tawanan ang aming pinagsasaluhan.
            Taong 2007, nag enroll akosa Col. Lauro D. Dizon memorial national High School. First year pa lang na ako noon kaya medyo hindi pa ako komportable dahil iba na ang aking nasasalamuha, pero nang tumagal na ay naging masaya na rin ako dahil nagkaroon ako ng panibagong kaibigan. Hanggang sa lumipas ang isang taon bumaba ako ng seksyon. Noong una malungkot kasi iba na naman makakasama ko. Pero di nagtagal nakatagpo ako ng panibagong kaibigan napakarami. Natutuwa ako dahil sinadya pa la iyun ng Diyos. Dinala Niya akosa mga kaibigan ko at nagpapasalamat ako sa Kanya. Natagpuan ko mga tunay na mga kaibigan. Lagi kami noon magkakasama, walang tigil na kwentuhan, harutan tawanan at iba’t ibang klasrng kapilyahan.Lumaban kami noon ng Florante at laura. Meron nakuhang parangal ang aking mga kaklase nagsisipaganap ngunit hindi namin nakuha ang 1st place pero natangganp na namin ito ng maluwag sa aming dibdib.
             At sa paglipas ng panahon 3rd  year na ako noon at talaga naman napakasaya namin. Natandahan ko pa nga noon na pag half-day kami pumupunta kami sa bahay nina Lucky joy para mag food trip, doon ang paborito hang-out namin.
             Sa pagpapatuloy, 4th year na ako ngayon nagkahiwa-hiwalay kaming mga magkakaibigan pero hindi pa rin namin nalilimutan ang isa’t isa. Nagkakasama pa rin kami pag nagkakaroon kami ng mga  gig at iba pang mga okasyon. Nabuo ang samahan namin na tinawag naming ‘ BFF’S TOTOTOTZZ” Sila ay walang  iba kundi sina Lucky, Aira, at Sarah, at syempre kasama rin diyan sina Ange,  Inah, Rhean at Shepai. Sila ang mga kaibigan ko.
bff q.

              Sumapit ang cheerdane na noon pa lang 3rd year kami ay talaga namang inaabangan na namin. Tinawag ang seksyon naming 4- Blazers. Kami ang nagwagi at tinaguriang champion talaga namang pinalutang namin ang aming talento sa pagsayaw suot an gaming green T-shirt. At  siyempre ang inakahihintay namin, ang J.S prom na ang theme ay Hawaiian costume. Noon una naisip kong baduy pero nagulat pagpasok ko ng gym ng central para na talaga akong nasa Hawaii kulang lang ang white sand at beach. Ang gganda at gagwapo ng mga estudyante pati mga guro sa suot nilang bulaklakang mga damit. Napakamemorable noon para sa akin. Napakasaya ko at nagpapasalamat ako sa mga nakasayaw ko. Nagulat ako sa pagsapit ng Feb 14 tumanggap ako ng bulaklak na galling sa boyfriend ko. Pero wala na kami ngayon at natanggap ko na iyun at ngayon kasalukuyan pa rin ako nasa 4th year at sisikapin ko makagraduate para makapag kolehiyo. At sa gayon ay makatulong ako sa aking pamilya at mabigyan sila ng magandang buhay. Ibabalik ko sa kanila ang lahat ng tulong na ibnigay nila sa akin at siyempre para magkaroon ako ng trabaho sa hinaharap.

ANG MAHIWAGANG TALAMBUHAY NI LUCKY JOY.



nung ako'y isang taon.
kinder aq.
were sisters :D
May isang pamilya sa San Pablo City Wallside St. na masayang namumuhay.Sila ay sina Marivic De Villa at Jesulito De Villa.Sila ay may 3 anak na lalaki at si marivic ay nagdadalang  tao pa.Dumating ang buwan ng Enero 25, 1995 ipinangangak ang napakagandang bata.Ang mag asawa’y tuwang tuwa dahil nga nagkaroon na sila ng anak na babae.Binigyan nila ito ng pangalang Lucky Joy T. De Villa.Kya Lucky Joy dahil nagkaroon sila ng anak na babae sa unang pagkakataon.Dumating ang araw nag isang taon na ko,maraming dumalo sa aking kaarawan.Hanggang  natuto na akong lumakad at magsalita ng mga salitang mama at papa.Dumating ang araw na napasok na ako sa unang baiting ng elementary,nanganak uli ang aking ina ng babae.Medyo nasaktan ako sa pangyayaring iyon,dahil maaagaw ang kanilang atensyon.Makalipas ang isang lingo naganap ang isang di kanais nais na pangyayari.Umuwing lasing ang aking ama nag away sila ni mama at nauwi sa hiwalayan.Umuwi kami sa Lola tinay ko ina ni mama.Grade 2 ako nun sa bagong bayan hatid sundo ako ni mama.Grade 2 din ako nung umalis si mama para pumuntang Guam para magtrabaho.Naiwan kami kay Lola Tinay.Lumilipas ang panahon na di ko nakikita ang mama ko.Grade 6 ako nun,buwan ng wika nagkaroon ng program sa skul,isa ako sa mga bida dun sa naganp na program.Kinakabahan ako dahil 1st time ko lang maging bida.Di ko inaakalang matutuloy pa yung program ang lakas kasi ng ulan.Pero makalipas ang 20 minutes,natapos din yung program na ginawa naming.Umuwi akong Masaya nun.Gragraduate na ako di pa rin nauwi  si mama.Hanggang naka gradute na ko di pa rin sya nauwi.Pero nung disyembre ng taon ding yon,umuwi si mama at tuwang tuwa ako.


may bff's.

Yes Highschool na ko.Sabi kasi nila Masaya daw ang Highschool Life.MASAYA NGA BA??
js party.
First year ako nun sa Dizon high 1B seksyon ko.Nakilala ko ang aking mga kaibigan na sina Angge,Eden,Jean,Jenny,Tricia,at rean.at tinawag kaming TROPAPITZ.Masayang Masaya kaming nagkwekwentuhan.Pag tanghali sabay-sabay din kaming nakain.Pag nauwi sabay-sabay din kami.Lumilipas ang panahon di ko na namamalayan matatapos na pal ang pagiging 1st year ko.Dumating na ang March,piramahan na ng clearance.Ayon sa wakas natapos din  ang pagpapapirma ko.Bakasyon na sunud-si-unod ang swimming namin.Saya kasi nabuo ung mga kamag-anak ko.Sa buong bakasyon puro lang kami swimming.Hanggang natapos ang bakasyon na puro lang kami swimming.Ayon enrolan na nang 2nd year.B pa rin ako.Exciting ang 2nd year kasi may Florante at Laura.Si Shaira ang Laura tas si Mhary ang Flerida tas c kim carlo c florante at si Paulo si adolfo.Pag kaawas naming nagprapraktis kami.Mga 2 weeks kaming nagpraktis.hanggang dumating ang labanan.marami kaming nakuha pero hindi kami kasali sa pangkalahatang play. Pero 1st an gaming laura,florante at adolfo.Anga flerida naming ay 2nd lang.Pero ayos lang kasi ginawa naman namin ang lahat pati na’enjoy naming yun labanan. Bakasyon na ulit. Puro swimming na naman ang nangyari, parang katulad lang ng dati. Yes! 3rd year na ko! Ang aking pinakahihintay kasi may JS prom. Unang pasukan ng klase, si Ma’am Lee at si Ma’am Umali ang aming mga adviser, mukhang matary, pero hondi naman pala. Tandang tanda ko, ilang beses ako na’guidance noon. Una yung sa MAPEH, buong klase kaming naguidance. Tapos yung sa English time naming, nagtatawanan kami ni Bernard(classmate ko), nahuli kami nung teacher ko, akala nya sya yun pinagtatawanan naming. Tapos tuwing sabado lagi kaming magkakasama nung mga barkada ko. Lagi kaming napuntang ilog noon. Ang saya! Hanggang dumating ang JS prom. Excited ako kasi first time ko palang sasabak sa JS. First dance ko si Paulo, ata ng last dance ko nman ay si Aaron. Pagkatapos ng JS prom, duon kami natulog kay na Inah sa San Joaquin. Kinabukasan umuwi na din ako. March na, pirmahan na ng clearance. Salamat kasi natapos agad ang clearance ko. April na, bigayan na ng card pati doon mo na malalaman kung anong section mo sa 4th year. Nung nakita ko yun card ko, tuwang tuwa ako kasi 4B ako. Pero sila Inah, Angge, Rean at Shepay ay 4C na. nakakalungkot isipin pero ayos lang kasi magkakaibigan pa rin akmi hanggang ngayon. Oops! 4th year na ko, dito ko nalaman ang tunay na kahulugan ng KAIBIGAN! Ako, Claire, Aira, Mhary at Sarah. Kami ang magbebestfriend. Lagi kaming sabay kumain sa tanghali, tapos sabay din umuwi. Noong November, naganap yung cheerdance. Ayon, kami ang champion! Hanggang dumating ang January. Yes! Birthday ko na. di ko nga inakalang ganun karami babati sa akin , tapos niregaluhan ako ng mga bestfriend ko ng bracelet na may pangalan ko. Nakakatouch nga nung binigay nila sa akin yun. Kasi di ko talaga inaasahan. February na, nagkaroon kami ng field trip sa skul.Sempre kasama ulit ako,kasi nung 2nd year ako kasama din ako e!4 na medaling araw ako pumunta skul kasi naduon ung bus na sasakyan namin.Ala sais na ng maga,sa wakas umalis na kami ng san Pablo.Mga 8 siguro ng maga nakarating na kmai sa aming unang pupuntaha.Ito ay ang Bio Researh.Para rin syang Ocean Park.Dami din animals.haha,naaalala ko si georgina ung ahas!Ang haba nya masyado.Tas madami pa kami pinunthahn nun e!Ang last na pinunthahn naming ay ung Mall of asia sempre.Nakakapagud ikutin.haha,may nabili nga ako sa national book store.Kaso nawala kinabukasan at may nang hiram sakin,kaso di ko tanda!Mga 10 na gabi naka uwi na ko sa amin.Pagud pero enjoy sobra!Februery pa rin.JS prom ulit namin, Hawaiian party nga. Ang saya kasi party party talaga.Medyo madame sumayaw sa akin.nakakpagud nga kasi naka heels.haha,pero sulit ang 300!Dapat nga kina ianh ulit kami tutulog kaso mga pagud na kami kaya ayon sa kanya kanya na naming bahay kami nagsi uwi.Hay naku March na.Papalapit na ang aming graduation. Sinusulit na nga naming ang mga araw na kami’y magkakasama.Ineenjoy na naming ang mga huling araw na kamiy magkakasama. April 02 ang graduation day naming.Nakakamis pero sempre magkakakita pa naman kami ay! Syempre sa ayaw at sa gusto naming, magkakahiwalay hiwalay na kami.Nakakalungkot isipin. Pero ayos lang kasi lahat naman kami’y GAGRADUATE!Sa waklas nagbunga din am gaming paghihirap!At ditto na nagtatapos ang aking talambuhay. Hanggang sa muli.Dadagdagan ko pa ito sa susunod!THE END.

Sabado, Pebrero 19, 2011

Ang simpleng buhay ni Gladys Reynaldo.


           "life is so unfair"  yung iba ang yayaman, yung iba namn mahirap, pero sino pa yung maraming pera sila pa yung dahilan kung bakit ba maraming pilipino ang naghihirap. katulad nalang namin, simpleng buhay ang nakasanayan ko, pero pinipilit kong maiahon sa kahirapan ang pamilya ko, dahil 'Ang buhay ay isang maapoy na pakikipagsapalaran'. ♥
                   Ito ang pananaw ko sa buhay. 

                                                     Ako si Gladys Magbanua Reynaldo. Pinanganak noong
Gladys Reynaldo.
 july 23, 1994 sa San Pablo District Hospital. Ang totoo nyan amg dapat kong pangalan ayn Gladys Pauleen pero Gladys nalang ang natira hehe. bata palng ako ng maghiwalay ang mga magulang ko, 8 taon ako at 12 taon ang kuya ko. Sa lola namin kami nakatira, dahil may kani-kanila narin silang pamilya at anak sa ngayon. hindi namn kame nagkulang sa pagmamahal ng isang magulang dahil inalagaan kami ng mabait naming lola tina. Siya ang tumayong nanay at tatay sa amin.

        Pakilala ko ang mga naging parte ng buhay ko at mababanggit din dito sa talambuhay ko. Rizalde C. Reynaldo ang pangalan ng papa ko, Ngabroad siya ng bata pa ako halos 3years lang ata ang pinakamatagal na nagkasama kami. Wala pa ako masyadong isip noon pero alam ko kung paano sila naghiwalay na mama ko dahil masakit din syempre samin yun. Bumalik sya sa Pilipinas at nalaman naming may karelasyon na pala sya at mas pinili nya ito kesa sa mama namin. Nagkaanak sila ng baby girl at ngayon nadagdagan ng baby boy. Tanggap na namin yun hanggang ngayon naman kasi di kame pinapabayaan ni papa. Nagpapadala buwan buwan pandagdag sa gastusin namin. Mahal ko siya ! yun lang :)
          Gina Gilbuela Magbanua ang pangalan na mama ko. Hindi ko man naramdaman ng matagal ang pagaalaga niya ay alam ko na mahal na mahal nya kame, Dahil wala namang magulang ang di nagmahal sa anak di ba?. Kahit pa sa iba sya nakatira eh alam ko parin ang pagmamahal nya sa amin sa tuwing magkakatext kame. Mahal ko dn ang mama ko ! :)
     

si  kapatid, lola at ako sa family picture namin.
            Sa aking kapatid naman na si Gerald M. Reynaldo wala akong masasabi kundi ang baet nya. Lage nya akong tinutulungan sa ass. at project ko. Minsan nagkakaaway man kame ay maaayos din kagad. Nagkakaunawaan naman kame sa lahat ng bagay at mahal din namin ang isat isa kahit pa nagkahiwalay ang mga magulang namin.
        
     Si lola Justina C. Reynaldo ang lolang nagalaga sa amin
      ng naghiwalay ang mama at papa namin. inaruga nya kami at minahal na parang tunay na anak. Hanggang ngayon sya ang nagaalaga sa amin. Mahal na mahal ko ang lola ko kahit pa minsan eh napapagalitan ako sa pagboboyfriend. Intindi ko naman yun, At balang araw masusuklian ko din ang lahat ng paghihirap nyang ginagawa para lang sa amin.

               ♠ Sa San Pablo Central School ako ng grade 1 hanggang grade 6. Napaka mahiyain ko noong bata pa ako, nahubog lang ito noong grade4 na. Madami na akong sinalihan ng contest katulad ng Table Skirting Contest na ng 1st place ako, Nagiging Most Responsible  ako sa klase nasa topnocher din naman minsan, hehe.. :) Nasali sa mga program, Group activities katulad ng camping sa girl scout o kaya Field trip.
             Sumali din ako sa Table Tennis . Noong grade5 ako 5th place, Pero noong grade6 na 2nd place na kame, doubles ang nilabanan ko. Muntik ng maASTRA pero ok lang nakauwi naman ako ng silver medal sa school namin. Noong elementary ako madaming mga teachers ang naging malapit sa akin. Pinaka kaclose ko ang english teacher ko noong grade5 ako at coach ko rin sa table Tennis na sa Mr. Elison Dones. Tumayo na  rin kasi syang pangalawang ama sa akin. Hanggang ngayon ay hinding hindi kami ng kakaklimutan ni sir Dones dahil naging parte na sya ng masaya kong elementarya.
mga kaibigan ko ngayong highschool. :)
  
            ♠ Ngayong High school naman sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National highSchhol ako pumasok. nasa ikaapat na taon at section B ako, Simple lang pero naging makulay ito. Dito ko kasi nakilala ang mga bago kong classmates at friends. noong 1st year ako simple lang naman ko.syempre dito ko nakilala yung mga friends ko na sina Belda, Fule, Briones at Timbas na tinatawag kong "BHABYBHEST". lagi silang asa tabi ko, tulungan sa problema lalo na sa pagaaral. Hindi naman naging mahirap ang 1st year ko sa katunayan exciting to sakin dahil sa mga new classmates :). naielect pa nga akong muse nun, escort si jovie pinag loveteam lang naman kame eh.. heheh .. :) tapos 2nd year naman pinaka masaya para sa akin. Daming kakwelahan ang nangyare, napaka saya , pinaka memorable talaga dahil sa madaming activities ang 2nd year or mas kilalang sophomore. Noong 3rd year medyo naging malungkot dahil sa nagkahiwa hiwalay na kaming magkakakaklase. masaya narin naman kaso medyo boring. Wala kasi masyadong noong 3rd year. Napaka simple lang. walang exciting factor ang nangyaredito. ngayong 4th year na ako, Graduating na daming activities , nagchampion pa kami sa cheerdance. galing ng 4BLAZERS. Lumaban akong muse pero talo, Noong science camp naman sumali akong Bb. Kalikasan. 2 award ko, best in costume at bb. karagatan. noong ng JS kami exciting din pero ang 1st at last dance ko ay si jovie. Buti nga naiintindihan nya ako, alam kasi nya na my bf ako, kaya napagbigyan ko na sya kahit JS man lng di ba?. nagaantay nalang kami ng graduation ngayon, malungkot man ito para sa aming lahat  dahil magkakahiwalay na ang mga 4BLAZERS ay hinding hindi ko makakalimutan ang masasayang pangyayare sa aming section.

                ♥♥ Ito na ang lovelife ko. Bilang isang babae hindi syempre mawawala sa talambuhay ang love one. pitong lalaki ang naging bf ko. 3 ang di seryoso at 4 ang seryoso. noong grade6 ako 3 ang di seryoso, si kimlee p. olarte, jeff michael delas alas at si limuel belda. Noong highschool ako nag seryoso, kung baga ito talaga ang 1st bf ko. si Christopher Cristobal 4 na buwan lang kami dahil sa 3rd party .. haha :) 2nd bf ko si Jay-M laguras 2 months lang kami. 3rd c rovin lacsam at 1 month lang kami nito , pero sya ang pinaka minahal ko sa sa tatlong yan..♥♥
Ako at ang boyfriend ko! :)
             ♥♥♥ Si Kim Bryan C. Manzanero ayan ang lalaking hanggang ngayon ay umaalaga sa puso ko at sya rin ang nakatalo sa 6 na lalaking naging parte ng buhay ko. 19 yrs. old na sya tapos na ng college taga San Isidro Calauan. Matagal na kaming mag bf/gf.2 taon na kami sa March 15, 2011. mahal na mahal ko itong lalaking to at sisiguraduhin kong sya na ang magiging kabiyak ko habang buhay.♥♥♥

        





                                                    Sana nagustuhan nyo ang talambuhay ko .
                                                         ilan lang yan sa parte ng buhay ko.
                                                             after 5years dadagdagan ko pa ito !
                                                                   thanks sa pagbabas
                                                            

                                                              • Gladys M. Reynaldo•
Ito na ako ngayon.
♥♥Life inspires, life re-fires, and life perspires. You may not realize it, but everything around you can contain a moment to inspire. When you are inspired you are lighting an extinguished fire within that keeps you going and creating desires. In order to get what you want from life you have to perspire, meaning work hard.♥♥