Linggo, Pebrero 20, 2011

Ang yugto sa aking buhay.(Claire Aquivido)

            
Ako yan ngayon..




3rd yir aq.
Ito ang Panimulang yugto nang aking buhay.Ako si Claire Russelle Javier-Aquivido.Lumaki sa maliit na barangay ng Sta. Filomena sa Lungsod ng San Pablo sa lalawigan ng Laguna.Isinilang ako noong ika-9 ng Abril sa bahay lang namin sa Sta. Filomena. Ang aking ina ay si Emelda Aquivido na isang smpleng maybahay.Habang ang aking ama naman ay si Ronaldo Aquivido na isang mabait,mapagmahal at maaalalahanin.Siya ay nagbalik noong nakaraangika-11 ng Oktubre sa South Korea upang ipagpatuloy ang naudlot na trabaho. Naghiwalay sila ng aking ina noong taong 2008.Nalungkot kami sa panyayaring iyon. Matagal bago namin natanggap. Samantala,mayroon akong nakatatandang kapatid.Siya ay si John Paul Bien Aquivido.Pansamantalang huminto siya ng pag-aaral.Sila ang aking pamilya.
1year old aq.

            Noong ako ay bata pa ako ay malikot ako at magaslaw kumilos.Limang taong gulang ako ng ako ay pumasok sa Angels’ Kiddie Learning Center.Sa eskwelahang iyon ako unang natuto kung paano bumilang at bumigkas ng mga letra. Nagturo rin doon ng mga detalye tungkol sa computer pero dahil masyado na iyong matagal isang salita na lang ang tumatak sa isip ko,iyon ay ang salitang “mouse”.Noong bata pa ako mahilig akong sumayaw.Gaya nang ibang bata,ako rin ay nagkaroon ng “crush” sa aking kaklase.Nakakatawa dahil hanggang ngayon ay tandang-tanda ko pa rin ang kanyang pangalan,Siya ay si Warren Torres,isa sa mga guwapo kong kaklase.Nahihiya nga ako dahil minsan nakakasakay ko pa siya sa jeep pero alam kong hindi na niya ako natatandaan.Noong kinder pa kami lagi ko siyang binibigyan ng candy dahil lagi akong may baon noon sapagkat nakakatulog ako sa oras ng klase namin.Nang sumapit ang Graduation Day namin hindi ako nakatanggap ng medalya para sa mga honors. Pero tanggap ko naman iyon.haha:).At masaya na ako sa natanggap kong parangal bilang “Most Sociable”.
kmi ng kua q.




kinder aq.

            Ang sumunod naman ay ang Elementary days ko sa taong 2000-2007.Ako ay anim na taong gulang ng mag-aral ako sa Brgy.Sta. Filomena Elementary School. Ang pagiging makulit kong estudyante ay lalong musbong sa akin. Madaldal ako kaya lagi rin akong napapagaltan ng teacher namin. Gaya rin nang ibang bata, mahilig akong maglaro. At ang isa sa mga paborito ko noong laruin a ang Chinese garter at Jumping rope. Mahilig din akong maglaro nang taguan,hili-hulihan, igtad-baka at marami pang iba na talaga naming nakakapagod laruin. Minsan nga kapag hindi  pa kami nagkaklase naglalaro kami ng jackstone sa loob ng aming classroom. At sa sobra kalikutan din namin nakakaabot pa kami ng dulo n gaming iskul sa paglalaro. Habang iyon naming mga puno sa likod ng mga room ang ginagawa naming bahay kapag naglalaro kami ng bahay-bahayan. Samantala, sa mga asignatura naming isa sa paborito ko ay ang paggagawa ng Collage at ibat’-ibang klase nang artwork. Hindi ko rin makakalimutan ng magluto kami noon at talaga naming feel na feel kong humawak ng sandok at excited naming pinatikim sa mga guro namin ang aming niluto at sobrang nasiyahan kami ng sabihin nila masarap.
grade1 aq.

Nakaramdam pa nga ako noon ng pagmamalaki na para bang ako lang ang nagluto. Naglilinis din kami noon ng iba’t ibang parte ng eskwelahan naming yung mga lugar na inassign ng adviser namin sa amin. Nagtanim din kami ng iba’t ibang klaseng halaman at puno na maaring malaki na ngayon. Nagkaron din ako ng crush. Sa murang edad kog ring iyun ako nagkaron ng tinatawag na puppy love, kung baga tuta pa lamang. At siyempre makakalimutan ko ba ang mga kaibigan ko noon? Hindi dahil noong panahong iyun nabuo ang munti naming barkadahan  na tinawag na “MJBERK“ na acronym na kahulugan ay Maris, Joy, Baby Jean, Epen, Russell(ako) at Kristel. Na sa paglipas ng panahon ay nadagdagan na tinawag naman na SLG na acronym word din ay “SAMAHAN LAGING GALA” dahil nun panahon iyun para kaming mga bakla na  pagala-gala sa kalsada sa gabi. At kapag malapit ng sumapit ang pasko kami ay magkakasama nangangaroling. Hanggang sa sumapit na ang graduation day hindi namin naiwasan na maging maemosyonal dahil magkakahiwa-hiwalay na kami pero naging masaya din naman kami dahil iyun ang araw ng pagtatapos namin ng Elementarya. Pinarangalan ako bilang “Most Trustworthy” na talaga naman aking pinamagmamalaki.
Hanggang ngayon ay mayroon pa rin kaming Komunikasyon ng mga dati kong mga kaklase at kung minsan kung nagkikita kami nagkukumustahan kami. Pag sobra namin  ng masasaya naming elementary days, nagpaplano kami ng reunion kung saan sama sama kaming nagkukuwentuhan, naghaharutan at tawanan ang aming pinagsasaluhan.
            Taong 2007, nag enroll akosa Col. Lauro D. Dizon memorial national High School. First year pa lang na ako noon kaya medyo hindi pa ako komportable dahil iba na ang aking nasasalamuha, pero nang tumagal na ay naging masaya na rin ako dahil nagkaroon ako ng panibagong kaibigan. Hanggang sa lumipas ang isang taon bumaba ako ng seksyon. Noong una malungkot kasi iba na naman makakasama ko. Pero di nagtagal nakatagpo ako ng panibagong kaibigan napakarami. Natutuwa ako dahil sinadya pa la iyun ng Diyos. Dinala Niya akosa mga kaibigan ko at nagpapasalamat ako sa Kanya. Natagpuan ko mga tunay na mga kaibigan. Lagi kami noon magkakasama, walang tigil na kwentuhan, harutan tawanan at iba’t ibang klasrng kapilyahan.Lumaban kami noon ng Florante at laura. Meron nakuhang parangal ang aking mga kaklase nagsisipaganap ngunit hindi namin nakuha ang 1st place pero natangganp na namin ito ng maluwag sa aming dibdib.
             At sa paglipas ng panahon 3rd  year na ako noon at talaga naman napakasaya namin. Natandahan ko pa nga noon na pag half-day kami pumupunta kami sa bahay nina Lucky joy para mag food trip, doon ang paborito hang-out namin.
             Sa pagpapatuloy, 4th year na ako ngayon nagkahiwa-hiwalay kaming mga magkakaibigan pero hindi pa rin namin nalilimutan ang isa’t isa. Nagkakasama pa rin kami pag nagkakaroon kami ng mga  gig at iba pang mga okasyon. Nabuo ang samahan namin na tinawag naming ‘ BFF’S TOTOTOTZZ” Sila ay walang  iba kundi sina Lucky, Aira, at Sarah, at syempre kasama rin diyan sina Ange,  Inah, Rhean at Shepai. Sila ang mga kaibigan ko.
bff q.

              Sumapit ang cheerdane na noon pa lang 3rd year kami ay talaga namang inaabangan na namin. Tinawag ang seksyon naming 4- Blazers. Kami ang nagwagi at tinaguriang champion talaga namang pinalutang namin ang aming talento sa pagsayaw suot an gaming green T-shirt. At  siyempre ang inakahihintay namin, ang J.S prom na ang theme ay Hawaiian costume. Noon una naisip kong baduy pero nagulat pagpasok ko ng gym ng central para na talaga akong nasa Hawaii kulang lang ang white sand at beach. Ang gganda at gagwapo ng mga estudyante pati mga guro sa suot nilang bulaklakang mga damit. Napakamemorable noon para sa akin. Napakasaya ko at nagpapasalamat ako sa mga nakasayaw ko. Nagulat ako sa pagsapit ng Feb 14 tumanggap ako ng bulaklak na galling sa boyfriend ko. Pero wala na kami ngayon at natanggap ko na iyun at ngayon kasalukuyan pa rin ako nasa 4th year at sisikapin ko makagraduate para makapag kolehiyo. At sa gayon ay makatulong ako sa aking pamilya at mabigyan sila ng magandang buhay. Ibabalik ko sa kanila ang lahat ng tulong na ibnigay nila sa akin at siyempre para magkaroon ako ng trabaho sa hinaharap.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento