Linggo, Pebrero 20, 2011

Ang Natatanging Talambuhay ni PAULYNNE C. HERNANDEZ

            Mapalad sina G. at Gng. Alice Hernandez dahil biniyayaan sila ng isang makulit ngunit mabait na anak. Pinangalanan nila itong Paulynne.

ako nung wala akong magawa




     Ako si Paulynne C. Hernandez. Pangalawa ako sa aming apat na magkakapatid. Kapuwa mga lalaki ang aking mga kapatid. Sila ay sina Allen ang panganay, si Alain ang sumunod sa akin at si Alan ang bunso sa amin.Ako ay isinilang ika-7 ng Hunyo taong 1995 sa malaking ospital sa bayan ng San Pablo City kung saan ako lumaki.Simple lamang ang pamumuhay ng aming pamilya.Ang aming ama na nagtatrabaho para sa amin ay matyagang ginagawa ang tungkulin na nakaatas sa kanya,samantalang katulong niya ang aming ina sa pagtataguyod ng aming pamilya.Kapuwa sila nagtutulungan kung kaya't manarapat namin na tulungan din sila upang mapagaan ang aming araw-araw.


kuya ko ng magtatapos sa sekondarya
 Ang panganay kong kapatid na si Allen Uly ay nasa ika-1 antas na sa kolehiyo sa Dalubhasaang Lungsog ng San Pablo sa kursong Info.Tech . Ako naman ay nasa ika-4 na ng antas sa sekondarya sa Col.Lauro D. Dizon Memorial NHS. Noong nasa elementarya kami sa parehong eskwelahan kami nagtapos at ito ay sa Del REmedio Central Sch.Naranasan ko din mapasama sa mga top students sa aming klase.Habang nalipas ang panahon napapansin ko sa aking sarili ang madalas kong paglalaro at kaligtaan ang aming mga aralin.Bihira na rin akong sumagot a klase kaya nung makarating ako sa ika-3 baitang na sa elementarya wala na ako sa mga top students.Kahit ganoon ang nangyari pinagsikapan ko pa ring makapagtapos at makakuha ng mataas na mga marka.Miyembro din ako ng isang dance troupe sa aming paaralan.Mahilig akong sumali sa mga school activities.Nagkaroon din ako ng mga kaibigan na malalapitan kapag may problema.
Pagtuntong ko sa sekondarya naisip ko kaagad ang mga posibleng mangyari sa akin.Hindi ako nabigo dahil sa unang antas pa lamang , naranasan ko na agad ang saya ng pag-aaral.Hindi ako nahirapan makisama dahil lahat sila ay madaling makibagay.Walang sinuman ang mabibigo sa kasabihang "ANG HIGH SCHOOL LIFE ANG PINAKAMASAYA" dahil napatunayan ito ng anking mga karanasan.Iba't-ibang katauhan ang iyong makakasalamuha sa araw-araw.Masasayang ala-ala ang nabubuo sa aking isipan kapag buhay ng isang studyanteng sekondarya ang paguusapan.


Nagkaroon ako ng iba't-ibang kaibigan,tropa,at barkadang matatawag

sina carla, karen at jamica pagkatapos ng aming cheerdance





ako, ksama sina katrina at jonah sa praktis ng field demo
          Sila yung mga taong handang tumulong , nagbuo ng aking pagkatao at hagit sa lahat sila ung bumago sakin.Kapatid na nga rin ung turingan namin.Pinakanaligayahan ako sa ika-4 na antas dahilnasubok dito ang tatag ng aming pagsasamahan.Nagkaroon kasi ng patimpalak ang aming paaralan para sa mga 4th year students ang MINIU OLYMPICS na matatawag.Kinakailangan na ang bawat section ay may maipresenta na cheerdance.Sa kabutihang palad nakamit namin ang ika-1 puwesto.



mga 4B
         Ilan lamang yan sa mga masasayang kaganapan sa aking buhay.Mapunta naman tayo sa mga karanasang hindi ko makakalimutan.Una dito yung makakuha ako ng bagsak na marka sa asignatura ng Values.Ito ang nag-udyok sa akin na mag-aral na mabuti.Nakaligtaan ko kasing ipasa yung mga proyekto ko.Nag iwan ito ng napakalaking lesson sa akin.
         Mabalik tayo sa aking sarili kung ano yung mga akin kagustuhan , sariling pananaw at tunay na pagkatao.Nabanggit ko kanina lamang na mas angat sa akin ang masasayang karanasan dahil ito sa aking ugali.Masayahin akong tao at mahilig makipagkaibigan.Gusto ka lagi ko silang kasama dahil mas nakakalimutan ko ang aking problema kapag kasama ko ang mga taong nagpapasaya sa akin.Libangan namin ang magkwentuhan.Nagpapalitan kami ng mga pananaw at opinyon.Minsan kung may pagkakataon nalabas kami ng eskwelahan upang tumambay sa ibang tambayan.May ibang nagsasabing supladas daw ako ni hindi daw namamansin.May ilan naman na mataray daw ako,pero di ko na iyon ipagkakaila dahil sa totoo ganoon talaga ako.Pumipili naman ako ng taong pagbubuhusan ko ng galit o pagtatarayan , ito yung mga taong hindi nararapat sa aking kabaitan.Ibinabagay ko din ang aking sarili sa bawat lugar upang hindi mapahamak.Sa aming tahanan,lalo na't naroon si ama hindi maaaring wala kang ginagawa. Mahilig akong makinig ng kanta hyabang may ginagawa dahil sa ito ay nakasanayan ko na.Mas napapagaan kasi nito ang aking mga tungkulin at higit sa lahat nagbibigay ito  ng sigla sa kin.Napalitan nito ang hilig ko sa pagbabasa.
ako noong wala ulit aqong magawa
             Libangan ko din ang tumugtog ng gitara dahil sa nasabi kong mahilig ako sa musika.Ito kasi yung pumapawi sa lungkot at pagod ko.Ito rin yung nagbibigay o nagpapakita ng emosyon ng bawat tao.Isa pa sa mga hilig kong gawin ay ang mag computer.Pakikipagkaibigan gamit ang mga online social network tulad ng FACEBOOK,paglalaro din ng mga online games.Isang paraan kung saan nakakakuha ng mga kaibigan na nasa malayong lugar.Isama ko na rin ang cellphone.Napapasaya ko ang aking sarili kapag nagagawa ko ang mga bagay na hilig ko.Mabaling naman tayo sa mga ayaw ko.Una dito ay yung pilitin ako sa mga bagay na ayaw na ayaw ko.Madali din daw akong magtampo sabi nlia pati nga rin daw mag-selos.Ayawe ko din dun sa mga bagay na walang sense kasi an pangit naman na doon lang mapupunta yung mga oras ko.Sa tunay na ugali,papalit-palit daw yun sakin MOODY nga daw sabi nila.Sa physical naman daw may pagkalalali daw ako kumilos??oo medyo.May mga bagay kasi akong hilig na hilig din nila.

ako sa kasalukuyan ;p



               Madako naman sa tunay na ako.Nasabi ko na ang lahat tungkol sa akin kung sino at ano ang mga hilig ko.Mga bagay , pangyayari at taong mga tunay na nagpapasaya sa akin.Mga karanasang magaganda at hinding-hindi makakalimutan.Naisiwalat ko na rin sa inyo ang  aking talambuhay ng walang pagaalinlangan.Nais kong maibahagi sa iba ang tunay kong na ako sa likod ng nakikita nilang imahe ko.:))Nais ko rin malaman nio yung mga bagay na hindi niyo pa alam tungkol sa akin.Nais kong magpasalamat sa mga taong naging bahagi ng aking buhay.Nagbigay ng sigla sa tuwing nababasa ng kalungkutan at nababalot ng poot.Ang Paulynne Castañeda Hernandez na nakilala , nakasama at nakikita niyo ngayon ay payuloy pa rin sa pakikipagsapalaran sa takbo ng buhay.Pilit ginagawang masaya ang bawat pangyayari sa kaniyang buhay upang hindi maging sagabal sa kaniyang mga hangarin.

                                                        _end_

1 komento: